Bulebar Magsaysay


Bulebar Magsaysay
Magsaysay Boulevard
Bulebar Santa Mesa
Santa Mesa Boulevard
Ang ruta ng Bulebar Magsaysay sa Kalakhang Maynila. Nakapula ito sa mapa.
Tanawin ng kanlurang bahagi ng Bulebar Magsaysay mula sa himpapawid.
Impormasyon sa ruta
Haba2.2 km (1.4 mi)
Bahagi ng
Pangunahing daanan
Dulo sa kanluran N140 (Abenida Lacson) / N180 (Kalye Legarda)
 

N141 (Kalye Victorino Mapa)

Dulo sa silangan N130 (Abenida Gregorio Araneta) / N180 (Bulebar Aurora)
Sistema ng mga daan
Mga daanan sa Pilipinas
Preview warning: Page using Template:Infobox road with unknown parameter "location"

Ang Bulebar Magsaysay (Ingles: Magsaysay Boulevard; na tinatawag din sa pormal na ngalan nito na Bulebar Pangulong Ramon Magsaysay) ay ang pangunahing lansangang arteryal ng Santa Mesa sa Maynila, ang kabesera ng Pilipinas. Isa itong daang may pangitnang harangan at anim na linya (tatlo sa bawat direksyon) na dumadaan mula silangan pa-kanluran, mula Abenida Gregorio Araneta (malapit sa hangganan ng Maynila at Lungsod Quezon) hanggang Abenida Lacson sa may Nagtahan Flyover. Ang Linya 2 ay nagsisilbing panggitnang harangnan ng bulebar, at mayroon itong dalawang estasyong nakaangat sa bulebar: Pureza at V. Mapa. May haba itong 2.2 kilometro (1.4 milya).

Sa silangan tutuloy ito bilang Bulebar Aurora, habang sa kanluran tutuloy ito bilang Kalye Legarda sa pamamagitan ng isang flyover patungong Quiapo. Bahagi ito ng Daang Radyal Blg. 6 ng sistema ng daang arteryal sa Kamaynilaan at N180 ng sistema ng lansangang bayan sa Pilipinas.

Pinangalanan ito mula kay Ramon Magsaysay, ang ikapitong pangulo ng Pilipinas. Dati itong tinawag na Bulebar Santa Mesa (Santa Mesa Boulevard).[1]

  1. "Sta. Mesa: Manila's northeastern edge". Philippine Star. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2014-12-14. Nakuha noong 10 Oktubre 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Tubidy